IBINULGAR SA SENATE HEARING ANG KORAPSYON SA BUDGET NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang katiwalian sa budget para sa pagkain ng mga preso o person deprived of liberty sa New Bilibid Prison. Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng department of justice at attached agencies, P70 an…
Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang katiwalian sa budget para sa pagkain ng mga preso o person deprived of liberty sa New Bilibid Prison.
Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng department of justice at attached agencies, P70 ang badyet kada araw para sa pagkain ng bawat preso.
Giit ni Senadora Nancy Binay, hamak naman na mas mataas ito sa P60 na inirekomenda ng national economic development authority.
Ayon sa kalihim, korapsiyon ang siyang dahilan kung bakit kakarampot lamang ang pagkaing inihahanda para sa mga preso.
Dagdag pa ni Remulla, masuwerte na kung P45 ang halaga ng pagkain inihahaing kada araw sa mga presyo.
No comments:
Post a Comment