Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna sa libo-libong mga barangay tanod sa lungsod ng Maynila na ang lokal na pamahalaan ay laging ikararangal ang kanilang sakripisyo at ambag sa peace and order situation sa kabisera ng bansa. Sinigurado rin ng alkalde na ang kanilang kapakanan ang laging nasa isipan ng Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Ibinigay ni Lacuna ang katiyakan matapos na siya, kasama si Vice Mayor Yul Servo, ay mamigay sa mga libong barangay ng tanod ng cash assistance mula sa AKAP assistance program ni President Marcos, Jr. at Speaker Romualdez bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at dedikasyon.
Ang lady mayor ay tinulungan nina social welfare department chief Re Fugoso at Brgy 497 Chairman Bong Marzan sa pagbibigay ng P2,000 sa bawat beneficiaries sa San Andres Sports Complex.
Ang Maynila ay mayroong 896 barangays kung saan ang bawat isang barangay ay may 10 tanod.
Sa kanyang maiksing mensahe, sinabi ni Lacuna na isang beses at tinanong siya nina President Marcos, Jr. at Speaker Romualdez kung paano sila makakatulong sa kanyang administrasyon at sinabi niya ang kalagayan ng mga barangay tanod na madalas na naiiwan pagdating sa mga benepisyo. Agad din naman aniyang tumugon sina President Marcos Jr. at Speaker Romualdez na magpapadala ng ayuda at idadaan sa tanggapan ng alkalde.
"Minsan, nabigyan po tayo ng pagkakataon makausap si President Bongbong at si Speaker Romualdez, nasabi nya paano kami makakatulong sa city of Manila? Sabi ko Mr. President, alam na alam naman po ninyo na ang Maynila ay kapos sa pondo, dahil marami kaming utang na binabayaran. Ngayon, kung tatanungin nyo po ako ano ang panganngailangan namin, sana po sa tulong nyo ay matustusan naman namin ang mga pangangailangan ng kababayan namin. Baka pwede po dagdagan ang mga ibinababang ayuda sa city of Manila," saad ng alkalde.
"Ang sagot nila, anytime, full support kami sa inyo. Magbababa at magbababa kami sa lungsod ng Maynila dahil hiningi mo 'yan sa amin. Kaya pasalamat naman tayo at full support po sila kay Dra. Honey Lacuna. Hindi ko po ito kakayaning mag-isa kailangan kkopo ang tulong at hindi po ako nahihiyang manghingi ng tulong kung para sa inyo. Okay lang, hihingan ko ng tulong lahat ng tao,"dagdag ni Lacuna.
Ayon sa lady mayor ang mga tbarangay tanod ang laging humaharap sa panganib at delikadong insidenteng nagaganap sa mga barangay.
"Sino ba lagi ang pagod? Sino ba ang laging puyat" Sino ang lagi na lang namemeligro ang buhay kababantay? Sino ang maliit ang nakukuhang sweldo? Kaya sabi ko, tanod lagi ang huling pinapatawag kaya ngayon kayo naman muna. 'Wag kayo mag-alala dahil lahat ng pupuwede naming maiibigay, ibibigay dahi deserve n'yo 'yan. Hnding-hindi ko kayo pababayaan…hinding-hindi ko kayo iiwan," pagbibigay diin ni Lacuna.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment