Inihain ni Senador Joel Villanueva ang isang panukalang batas na nagbabawal sa lahat ng uri ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), Sen. Joel Villanueva has filed Senate Bill 2752, or the proposed Anti-POGO Act.
Sinabi ni Villanueva na babawiin at kakanselahin ng panukala ang lahat ng POGO at katulad na lisensya na ibinigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at iba pang investment promotion agencies na may kapangyarihang magbigay ng katulad ng lisensya.
Ayon kay Villanueva, kapag naipasa ang panukala, binibigyan ng 30 araw ang POGO at katulad na negosyo upang tumigil sa operasyon o mahaharap sa 12 hanggang 20 taong pagkakakulong o multang P100 milyon.
Epektibong ibinabasura ng panukala sakaling maipasa, ang Republic Act 11590, o ang Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations.
Naunang inihayag ng ilang senador sa pangunguna ni Senate President Francis "Chiz" Escudero, na binago lamang ng RA 11590 ang tax rates para sa POGO pero hindi sila nagbigay buhay sa lisensya na ipinalalabas ng PAGCOR.
Ayon kay Villanueva, inatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng Workers' Transition Program, sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at kaugnay na ahensya na sa maapektuhang POGO workers.
"The evidence of crimes and social ills from POGO operations immensely overwhelm the benefits the Filipinos get from the taxes they pay," ayon kay Villanueva.
Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Pagcor chairman and CEO Alejandro Tengco na aabot sa 40,000 manggagawa ang apektado ng POGO ban.
Inihayag din ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa naturang pagdinig na hindi masyadong malaki ang mawawala sa kaban ng bayan sa pagpapalayas ng POGO.
Aniya, aabot lamang sa kalahati ng 1 porsyento ng ekonomiya ang naitutulong ng POGO na hindi masyadong mahalaga sa pagkasira ng reputasyon ng bansa.
"The contribution of POGO in the economy as of 2022, that's the latest number we have, is less than 1/2 of 1 percent. That's how small it is. Less than 1/2 of 1 percent if you compare that with the potential gains that we get from, say, you have an environment that's not associated with crimes… With the country having that kind of reputation of criminality, I said it's not worth it," ayon kay Balisacan.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment