Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Batangas District Office (NBI-BatDO) ang 18 na indibidwal dahil sa illegal quarrying sa Batangas. Ayon sa NBI, nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente nito na may deputization aut… | By Headlines Ngayon on August 4, 2024 | Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Batangas District Office (NBI-BatDO) ang 18 na indibidwal dahil sa illegal quarrying sa Batangas. Ayon sa NBI, nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente nito na may deputization authority mula sa Mines and Geosciences Bureau sa Brgy. Celestino, Lipa City noong Huwebes. Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 18 na indibidwal. Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang mga kagamitang ginagamit ng mga indibidwal ay magiging bahagi ng ebidensya laban sa kanila. Ayon kay Santiago, nag-ugat ang operasyon sa impormasyong natanggap ng BatDO na talamak ang illegal quarry operation sa lugar. MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment