Pinawalang-sala ng Makati City Regional Trial Court ang lahat ng kinakaharap na kasong droga ng dating pinuno ng Anti- Drugs Division ng National Bureau of Investigation dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya at discredited witness, sa promulgation nitong Biyernes.
Ang abogadong si Augusto Eric Isidoro ay pinalaya mula sa Makati City Jail kung saan siya nakulong ng anim na taon matapos siyang sumuko sa mga awtoridad nang malaman niyang may kasong isasampa laban sa kanya ukol sa paggawa ng ilegal na droga, na inihain ng pulisya ng Catanduanes noong 2018.
"It behooves this court not to blindingly accept the flagrantly wanting evidence of the prosecution in this case. The Prosecution failed to meet the required quantum of evidence sufficient to support a conviction, in which cases the presumption of innocence prevails. To stress, when moral certainty as to culpability hangs in the balance, acquittal on reasonable doubt inevitably becomes a matter of right," ayon kay RTC Branch Judge Jacob Montesa," ayon kay RTC Branch Judge Jacob Montesa.
Sinabi rin ng korte na ang nag-iisang testigo ng prosekusyon na si Ernesto Tabor Jr, laban kay Isidoro ay ay na-discredit at ang kanyang testimonya ay walang sapat na batayan.
Matatandaang noong 2014, pinangunahan ni Isidoro ang pagsalakay sa isang shabu laboratory sa Camiling, Tarlac kung saan bilyon-bilyong halaga ng iligal na droga ang narekober.
Noong 2016, isang mega shabu laboratory ang nadiskubre ng pulisya sa Virac, Catanduanes at nasamsam ang mahigit P100 milyong halaga ng shabu at ephedrine.
Itinuro ni Tabor na naging police informant si Isidoro bilang may-ari ng shabu laboratory.
Gayunman, ang mga kasamahan ng dating opisyal mula sa NBI at aktibong miyembro ng Philippine Airforce and Intelligence Service of the of the Armed Forces of the Philippines ay tumestigo para kay Isidoro na nagsabing lahat ng imbentaryo at mga naarestong suspek sa pagsalakay sa Camiling ay pawang naitala nang maayos.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment