Inihihirit ni Vice President Sara Duterte ang P2.037 bilyon na budget para sa kanyang opisian sa 2025.
"Ang inirerekomendang badyet para sa OVP ay sumasalamin sa isang 8.05% na pagtaas kumpara sa kasalukuyang taon na paglalaan [ng P1.885 bilyon]," sabi ng Tanggapan ng Bise Presidente sa isang post sa social media.
Idinagdag nito na kung ang panukala ay maaprubahan ng Kongreso, ito ay isasalin sa pagtaas ng 12.39% sa bilang ng mga target na benepisyaryo para sa mga flagship program ng OVP, o kabuuang 1,139,244 na benepisyaryo.
Noong 2024, 87.59% ng badyet ng OVP ang inilaan sa mga programa at proyekto at 12.41% sa mga serbisyo ng tauhan, kagamitan at sasakyan.
Kabilang sa mga pangunahing programa at proyekto ng OVP ay ang tulong medikal at burial, Libreng Sakay, at ang Disaster Operations Center.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment