Tila nagiging suki na ng mga armadong holdaper ang convenience store na Alfamart matapos na maitala ang sunod-sunod na pamamasok dito noong mga nakaraang araw.
Batay sa mga naiulat sa pulisya, limang branches na ng Alfamart ang naholdap sa Cavite, Laguna at Batangas mula noong August 1 hanggang August 9.
Nangyari ang mga panghoholdap sa mga branches sa Brgy. Alulod, Indang, Brgy. Niog, Bacoor City, Brgy. Alulod, Indang at sa Alfamart branch, Brgy. San Sebastian, Kawit sa Cavite.
Naholdap na rin ang Alfamart sa Brgy. Poblacion, Malvar, Batangas at ang pinakahuling naitala ay holdapan sa Alfamart branch – Rizal Blvd, Brgy. Labas, Sta Rosa City, Laguna nitong Sabado ng madaling araw.
Base sa mga record, kalimitang ginagawa ang pangho-holdap mula madaling araw sa mga branches na nakabukas 24 oras at mga riding in tandem ang mga salarin.
Payo ng mga awtoridad na magtalaga ng mga security guard sa branches lalo na ang mga nag-ooperate ng 24 oras at tiyakin din na gumagana ang mga CCTV para madaling makilala ang mga salarin at agad malutas ang mga kaso.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment