Inatasan ng Commission on Audit (COA) si Vice President Sara Duterte na isoli ang P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential funds na ginasta ng tanggapan nito sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022 dahil ang nasabing item ay itinuturing na 'disallowed fund" sa ilalim ng regulasyon ng pamahalaan.
Ang "COA's notice of disallowance" na may petsang Agosto 8, 2024 ay nabunyag sa budget hearing ng House Committee on Appropriations sa panukalang P2.037 bilyong pondo ng tanggapan ni Sara para sa 2025.
Una nang lumutang na ang P125 milyong confidential funds ay ginasta ng OVP sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022. Ang paghimay sa pondo ng OVP ay inabot ng gabi pero walang napigang tugon ang mga mambabatas.
"The disallowed expenditures, amounting to nearly two-thirds of the total confidential funds, included payments for rewards in the form of goods rather than cash, and the procurement of tables, chairs, desktop computers and printers — expenses that appeared inconsistent with the intended use of confidential funds," anang COA.
Ipinaliwanag ni COA Assistant Commissioner Alexander Juliano na ang ibig sabihin ng "notice of disallowed funds" ay sobra-sobrang paggasta, wala sa item na kung sa gamot ay bultu-bulto na labis sa pangangailangan na nasayang matapos na ma-expired.
Sinabi naman ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na ang P40-M sa confidential funds ng OVP ay ginasta sa medical at food aid na kinuwestiyon ang mabilisang paggasta sa nasabing halaga.
"So ang ibig sabihin ito, Madam Chair, konting math, pumapatak na ?3.64 million kada araw ang gastos para sa food and medical aid. So hindi natin maintindihan paano ito ginastos in 11 days," ayon pa kay Castro.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment