Isinusulong ngayon ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang magbibigay ng karagdagang ngipin sa batas na nagbabawal sa hospital detention.
Ipinunto ng senador na patuloy pa rin nangyayari ang pagpigil ng ilang ospital sa paglabas ng mga pasyente, buhay man o patay na, dahil sa mga nakabinbin na bayarin.
Sa kanyang Senate Bill No. 2724, nais amiyendahan ni Estrada ang Republic Act No. 9439 o ang batas laban sa hospital detention sa pamamagitan ng mas mabigat na multa at parusa.
Mula sa kasalukuyang multa na P20,000 hanggang P50,000, iminungkahi ng senador na itaas ito at gawin nang P200,000 o pagkabilanggo ng hanggang tatlong taon, o parehong ipataw sa mga opisyal o empleyado ng ospital na hindi sumusunod sa batas.
Maaari namang maharap sa anim na taong pagkabilanggo na may kasamang maximum na multang P2 milyon ang mga direktor o tagapamahala ng mga ospital o kahalintulad na pasilidad na nagpapatupad ng patakaran gaya ng hospital detention.
IKE ENRIQUE - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment