Pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna ang mga Manileño sa pagbati at pagmamalaki sa Outstanding Manilan 2024 awardee na si Carlo Edriel Yulo, na isang residente ng Maynila na kauna-unahang nanalo ng gold medal para sa Pilipinas sa pagpapatuloy ng Paris Olympics 2024, matapos nitong dominahin ang men's artistic gymnastics floor exercise final sa Bercy Arena noong Sabado ng gabi, Manila time.
Sinabi ni Lacuna na ang nasabing hero's welcome para kay Yulo sa Manila ay kasabay din ng paghahanda ng city government sa pagkakaloob kay Yulo ng 'key to the city', karangalan at cash incentives at iba pa, dahil sa kanyang natatanging performance na nagbigay sa bansa ng ikalawang gold medal sa Olympics.
Nabatid na noong nakaraang buwan lamang si Yulo ay ginawaran ng 'Outstanding Manilan' sa awarding na ginanap sa Metropolitan Theater sa ultimate highlight celebration ng Manila's 453rd founding annviersary. Ang nasabing karangalan na 'Gawad Manileno' ay personal na ipinagkakaloob nina Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Manila Sports Council (MASCO) head Roel de Guznan.
"A resident of Malate, Manila, Yulo has brought pride and glory to the country and most especially to his fellow Manilans. The City of Manila is so proud of you!" pahayag ni Lacuna.
Samantala, sinabi ni Servo na ang Manila City Council kung saan siya ang Presiding Officer, ay naghahanda na sa pagbibigay ng pagkilalang nararapat kay Yulo.
Matatandaan na si Yulo at ang kanyang kapatid na si Karl Edrew, ay una ng binigyang parangal ng MCC sa pamamagitan ng resolution na iniakda ni Councilor Numero Lim at Majority Floorleader Atty. Ernesto Isip, Jr., dahil sa kanilang ipinakitang galing sa Artistic Gymnastics Asian Championshios na ginawa sa Uzbekistan noong May 19, 2024.
Pangalawa Filipino pa lamang si Yulo na nanalo ng Olympics, matapos na masungkit ng weightlifter Hidilyn Diaz ang unang gold na tumapos sa tagtuyot sa gintong medalaya noong 2021 edition ng Olympics sa Tokyo.
Si Yulo ay two-time world champion at multiple Southeast Asian Games and Asian Games gold medal winner.
Nabatid sa ulat na sinabi ng ama ni Yulo na ang tagumpay ni Yulo ay resulta ng apat na taong preparasyon nito.
Matapos ang kanyang winning performance si Yulo ay na-quote at sinabing: "I'm so overwhelmed. I'm feeling grateful for having this medal and for God. He protected me, as always… He gave me the strength to get through this kind of performance and perform this well."
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment