Isinailalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Bangladesh sa Crisis Alert Level 1 na Precautionary Phase, sagitna ng mga kaguluhan at kaguluhang sibilsa bansa.
Sumiklab ang mga protestang pinamunuan ng mga estudyante sa Bangladesh noong nakaraang buwan dahil sa itinakdang mgaquota sa mga trabaho sa gobyerno, na nagresulta sa sagupaan sa mga pulis kung saan umabot na sa 200 ang nasawi.
Sa isang advisory nitong Biyernes, nagbabala ang DFA na "security situation can deteriorate without warning".
Sa ilalim ng alert level, mahigpit na pinapayuhan ang mga Pilipinong naninirahan sa Bangladesh na magsagawa ng pag-iingat at limitahan ang mga paggalaw.
Payo pa ng DFA sa mga Pinoy na manatilingmapagbantay, subaybayan at sundin ang mga alituntunin na itinakda ng mga lokal na awtoridad.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment