Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na na-hack ang website ng Senado nitong Miyerkules, Agosto 21. Ayon sa DICT, kinikilala ang grupo ng mga hacker na deathnote hackers. Kinalkal umano ng grupo ang mga user… | By Headlines Ngayon on August 22, 2024 | Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na na-hack ang website ng Senado nitong Miyerkules, Agosto 21. Ayon sa DICT, kinikilala ang grupo ng mga hacker na deathnote hackers. Kinalkal umano ng grupo ang mga usernames at logs ng mga empleyado sa Senado. Naiulat naman ng cyber security group na deep web konek Martes pa ng gabi, na napasok ng mga nasabing hacker ang Information Technology System ng Senado. Samantala, sa isang ulat, tiniyak naman ni DICT Asec. Renato Paraiso na naresolba na ang nasabing hacking. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang ahensya upang palakasin pa ang cybersecurity measures ng Senado. ATTY EDNA B. DEL MORAL | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment