Itinimbre na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport ng sinipang Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at kanyang pamilya sa Philippine Center on Transnational Crime o national central bureau ng International Criminal Police Organization (Interpol).
Ito ang ibinunyag nitong Miyerkoles kasabay nang pag-welcome nito sa kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa DFA at Department of Justice na kanselahin ang passport ni Guo.
"I have information from them (DFA), in fact, 'yung Philippine passports ni Guo Hua Ping o Alice Leal Guo kasama na nina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo at Katherine Cassandra Li Ong ay in fact ni-report na nila sa Philippine Center for Transnational Crime-Interpol para sa appropriate action nila. So, itinaas na rin po hanggang sa level ng Interpol," sabi ni Hontiveros sa isang forum sa Senado.
Sabi ng mambabatas, sumulat ang DFA sa National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) noong Hunyo 26 at Hulyo 9 para patunayan na minis-declare ni Guo ang kanyang identity at citizenship.
"Nag-request ang DFA na i-crossmatch ang biometric records sa data base ng DFA vis a vis record ng NBI, BI para magamit ng DFA for fraudulent identity. Ang DFA Office of Consular Affairs gumawa ng precautionary measure isama si Guo at pamilya sa passport watchlist database," ani Hontiveros.
"Ito'y upang mapigilan ang pag isyu ng bagong passport…Hindi lang mahihirapan, mapipigilan na magamit pa PH passport pati ni Guo Hua Ping. Hindi naman siya Filipino, wala siyang karapatang gumamit ng PH passport at maglabas masok sa Pilipinas," dagdag pa niya.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment