Binutata ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano ang pahayag ng abogado ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. kaugnay sa extradition case nito sa Timor-Leste.
Nauna rito, sinopla ni Atty. Ferdinand Topacio na "totally untrue" ang sinabi ng DOJ na ibinasura ng hukuman sa Timor-Leste ang motion for reconsideration ng kampo ni Teves laban sa kanyang extradition case.
Sabi pa ni Clavano, hindi niya kilala si Topacio at pinanindigan ang naunang pahayag ng DOJ batay aniya sa ibinigay sa kanilang update sa kaso ni Teves sa Timor-Leste.
Kasabay nito, inihayag ni Clavano na bilang na ang araw ni Teves sa Timor-Leste.
"`Yun na lang siguro ang masasabi ko dahil `yung ibang operational details ay confidential pa at kailangan namin ayusin pa ang pinaka-extraction operation," ani Clavano.
Nahaharap si Teves sa mga kasong murder na may kinalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan ilan pang sibilyan ang nadamay sa insidente ng pamamaril noong Marso 4, 2023.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment