Pinalawig ng Court of Appeals (CA) hanggang February 6, 2025 ang pag-freeze ng bank account at iba pang ari-arian ni Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Base sa naunang utos ng CA noong Agosto 6, 20-araw lamang ang freeze order maliban kung pala-lawigin ito.
Kabilang sa sakop ng freeze order ay 10 bank accounts, 7 real properties, 5 motor vehicles at isang air-craft ni Quiboloy.
Kinatigan ng CA ang petisyong inihain ng AMLC laban sa ari-arian ni Quiboloy at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) pati na ang bank account ng Swara Sug Media Corporation, na siyang nagpapatakbo ng Son-shine Media Network International (SMNI).
Tinukoy ng CA ang trafficking at child and sexual abuse case ni Quiboloy sa Estados Unidos. Ang mga donasyong nakuha umano sa US ay pinasok sa bank account ng KOJC sa Pilipinas upang mapondohan ang konstruksyon ng stadium at ang marangyang pamumuhay ni Quiboloy.
Inismagel umano ng mga KOJC sa Pilipinas ang na-solicit na pera sa US at ang buwanang suweldo ng mga top administrator ng simbahan ay hindi tugma sa kanilang financial profiles.
Nakita rin ang hindi kapani-paniwalang deposit ng mga KOJC official, pati na ang withdrawal at re-mittance transactions na hindi tumutugma sa kanilang profiles.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment