Natuklasan ng kapulisan ang mga masalimuot na daan, mga pampasabog, at iba pang nakamamatay na armas sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy.Iprinisent… | By Headlines Ngayon on August 31, 2024 | Natuklasan ng kapulisan ang mga masalimuot na daan, mga pampasabog, at iba pang nakamamatay na armas sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy. Iprinisenta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang videos na kuha sa mga unang araw ng paghahanap kay Quiboloy, makikita ang pasikot-sikot na structural designs ng gusali sa loob ng 30-hectare estate. Natuklasan din aniya ng mga pulis ang "secret passageway" patungo sa isang kwarto at 42 gusali sa loob ng compound. "This is now the secret door at dito ka ngayon papasok sa kuwartong ito . Nandiyan ang kuwarto ni Pastor Quiboloy. Liliwanagin ko lang, iilan lang yan. Hindi lahat puwede namin ipakita, iilan lang yang mga secret passage at yung mga nakikita namin," dagdag na wika ng Kalihim. Ipinakita rin nito ang video clips ng isa pang gusali na sumasailalim ngayon sa konstruskyon. Aniya pa, nakikipag-ugnayan na sila sa Davao City Engineer's Office para madetermina ang lahat ng uri ng kwarto at daanan sa loob ng compound na nakadeklara sa construction plan na isinumite ng grupo. "Bakit may mga ganitong construction? We are checking whether they declared or not declared at kung sakali man para alam namin kung saan kami lulusot dito. Nakakalito talaga. It's a violation kapag hindi nakadeklara lahat ng intricate things na ginawa at binuo na puwedeng pagtaguan," giit ng opisyal. Ipinakita rin ni Abalos ang mga larawan ng Molotov bombs at bolos na natuklasan ng kapulisan sa roof deck ng gusali. Sinabi ni Abalos na naglagay ang mga taga-suporta ni Quiboloy ng barbed wires at live electrical wires sa loob ng compound. Gayunman, tumanggi si Abalos na ipakita lahat ng mga video upang hindi aniya mapurnada ang nagpapatuloy na operasyon para matunton si Quiboloy. "Mahirap ito. Nakita niyo 'yung mga challenges na pinagdadaanan ng ating kapulisyahan as of now," pahayag niya. Samantala, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 11 (Davao) spokesperson Maj. Catherine Dela Rey na naniniwala sila na nasa compound pa rin si Quiboloy. "We will never bomb or destroy your structure because we are not after the structure, we are not after the church, and we are not after the members. Implementing the warrant of arrest is our job, and we are ordered by the court to do so," sinabi nito. Nauna rito, pinasinungalingan ng PRO-11 ang lumabas na social media posts na bobombahin nito ang cathedral sa loob ng KOJC compound. ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment