Nagbuga ang Taal Volcano sa Batangas nitong Huwebes ng sulfur dioxide (SO2).
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ng umaga sa nakalipas na 24 oras, nagbuga ang bulkan ng 4,398 metric tons ng SO2 matapos magbuga ng 2,921 MT mula Agosto 26.
Umabot ang ibinugang toxic gas sa altitude na 2,400 metro ang taas mula sa Taal Volcano Island, lokal na kilala bilang "Pulo," bago kumalat sa southeast at north-northeast direction.
Sa pinakabagong update, naobserbahan ng state volcanologists ang "upwelling of hot volcanic fluids" sa main crater lake ng bulkan, na walang naitalang pagyanig sa observation period.
Subalit, walang volcanic smog, o "vog," sa pinakahuling observation period.
Nananatili ang Taal Volcano sa alert level 1, nangangahulugan ng low volcanic unrest.
Pinaaalalahanan ang publiko na nananatili sa "abnormal condition" ang Bulkang Taal.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment