Naglatag ng mga quarantine checkpoint ang ilang bayan sa Batangas para mahadlangan ang posibleng pagkalat ng African Swine Fever o ASF sa mga alagang hayop partikular sa mga baboy.
Ang nasabing hakbang ay matapos na makumpirma ang mga positibong kaso ng ASF sa lalawigan.
Kabilang sa mga bayan na naghihigpit ngayon sa pagpasok at paglabas ng mga baboy, buhay man o karne ay ang Lobo, Calatagan, San Juan, at ang lungsod ng Calaca.
Nagsagawa na rin ng emergency meeting ang mga LGU kasama ang mga tauhan ng kani-kanilang Municipal Agriculture Office, veterinary office, mga barangay officials at mga magbababoy para matalakay ang mga dapat gawin, makontrol ang pagkalat ng ASF at nagtayo na rin ng mga task force.
Hinikayat ng mga LGU ang mga hog raiser at maging ang mga residente na sumunod sa mga polisiya at mga biosecurity measures upang mapangasiwaang mabuti ang pagpigil sa pagkalat ng mga sakit.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment