Napa-thank you si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon matapos ianunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagsibak kay Ronald Cardema bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC).
"Tanggal na si Ronald Cardema. Thank u PBBM ! #bawalangshunga," sabi ni Guanzon sa kaniyang post sa X.
Si Guanzon ay kilalang kaalyado ni dating Vice President Leni Robredo.
Sa isa pang post, sinabi naman ni Guanzon na "Ang happy ko today. Alam nyo na bakit."
Hindi pa sinasabi ni Guanzon ang dahilan pero hirit ng marami sa kaniyang mga follower dahil ito sa pagtanggal kay Cardema.
Noong 2020, tinutulan ni Guanzon ang desisyon ng Comelec na iproklama bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list si Ducielle Cardema, ang misis ng inalis na NYC chairperson.
Hinarang naman ng dating opisyal ng NYC ang pag-upo ni Guanzon bilang kinatawan ng P3PWD party-list na nanalo ng isang upuan sa Kamara de Representantes noong 2022 elections.
Noong Huwebes, inanunsyo ng PCO na si Cardema ay pinalitan ni Joseph Francisco Ortega, na mula sa Department of Tourism.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment