Tuloy ang sibakan sa mga opisyal ng gobyerno na nabigong maharang ang pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo palabas ng Pilipinas.
Sabi ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. nitong Martes, may ideya na siya kung sino-sino ang dapat managot sa pagtakas ni Guo.
"I have a very, very good idea," wika ni Marcos sa interview ng mga reporter.
Hindi binanggit ng Pangulo kung sino ang mga ito pero pawang mga immigration personnel umano ito.
"That's the last part of this investigation, how far, how deep does it go, isa lang bang tao ang involved o marami sila, sindikato ito. That's what we're looking for. There are no sacred cows,'' diin ni Marcos.
Kinumpirma rin nito na itinago sa kanya ang impormasyon na sina Alice Guo, kapatid na sina Shiela at Wesley ay nakalabas na ng Pilipinas bago ito isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros.
Halos tapos na umano ang isinagawang imbestigasyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at posibleng isumite na ito sa kanya.
"He's almost finish with a very thorough investigation and we will identify all those who are involved and we will act very quickly," ani Marcos.
Sa hearing sa Senado nitong Martes, kinumpirma ni Shiela na ilang beses silang lumipat ng sakay sa maliliit na barko bago nakarating ng Sabah, Malaysia.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment