Sinalakay ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Miyerkoles ang isang appliance store sa Plaridel, Bulacan matapos makatanggap ng mga reklamo dahil sa pagbebenta ng mga appliances na walang sticker ng import commodity clearance (ICC).
Nasa P44 milyon ang halaga ng mga hindi sertipikadong appliances na nasabat ng DTI sa warehouse ng Grand Philippines Smart Appliances Corp. (GPSAC), ayon sa DTI Task Force Kalasag.
Nahuli ang tindahan matapos malaman na walang ICC sticker ang mga appliances.
Lahat umano ng appliances ay imported mula sa China at Korea base sa packaging. Ang mga nakumpiskang appliances ay electric fan, television set, rice cooker, electric multi-cooker, electric kettle, air conditioner, LED Lamps at extension cords.
Ang ICC sticker ay mahalaga upang patunayan na ang produkto ay ligtas, may magandang kalidad at hindi makakasama sa buhay ng mga mamimili.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment