Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko at mga healthcare professional laban sa pagbili at paggamit ng mga pekeng paracetamol tablet.
Sa inilabas na advisory na nilagdaan ni FDA Director General Samuel Zacate, ipinakita ng ahensya ang mga larawan ng isang pekeng paracetamol (Biogesic®) 500 mg tablet na may ibang lot number, capsule, knurling, at print appearance kumpara sa authentic.
Pinaalalahanan ng FDA ang publiko na bumili lamang ng mga gamot sa mga establisyimento na lisensyado ng FDA.
Maaari raw kasing magdulot ng panganib sa kalusugan ang mga pekeng gamot sa mga kukuha nito.
Binalaan din ng ahensya ang lahat ng mga establisyimento na huwag magbenta ng mga pekeng gamot dahil sila ay legal na mananagot.
"Ang pagaangkat, pagbebenta at pamamahagi nito ay paglabag sa Republic Act No. 9711 or the Food and Drug Administration Act of 2009, and Republic Act No. 8203 or the Special Law on Counterfeit Drugs. Ang sino mang mapatunayang nagbebenta ng nasabing pekeng produkto ay mapaparusahan," saad sa advisory.
Hinimok din ng FDA ang mga local government units at law enforcement agencies na tiyaking hindi ibebenta o gagamitin ang pekeng produkto sa kani-kanilang hurisdiksyon.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment