Residente ng Metro Manila ang unang pasyenteng may mpox (dating monkeypox) sa bansa ngayong taon, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa.
Tinanong si Herbosa sa isang press conference nitong Lunes tungkol sa mga detalye ng bagong kaso ng mpox.
"From NCR," aniya, bilang tugon sa mga tanong tungkol sa kinaroroonan ng pasyente.
Anang DOH, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa bagong mpox infection noong Linggo, Agosto 18.
Inilarawan din nito ang pasyente na isang 33 taong gulang na lalaking Filipino na walang travel history sa labas ng Pilipinas ngunit may "close, intimate contact three weeks before symptom onset."
Nagsimula umano ang mga sintomas mahigit isang linggo ang nakalipas na lagnat at sinundan pagkalipas ng apat na araw ng mga kakaibang pantal sa mukha, likod, batok, katawan, singit, gayundin sa mga palad at talampakan.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment