Kinundena ng National Task Force for the West Philippine Sea ang pinakabagong peligroso at iligal na maneobra ng China sa West Philippine Sea.
Sa statement ni National Security Council (NSC) asssistant deirector general Jonathan Malaya – sinabi nitong nagtamo ng pinsala ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411).
Papunta sana ito sa bahagi ng Patag at Lawak Islands nang magsagawa ng agresibongmaneobra ang China Coast Guard.
Dahil dito, nagbanggaan ang BRP Engaño at CCGV-3104 dahilan para magkabutas ang deck nito.
Maliban pa rito, binanga rin nang dalawang beses ng CCGV-21551 ang BRP Bagacay.
Sa kabila nito, nanindigan ang PCG na magpapatuloy pa rin sila sa kanilang resupply mission sa dalawang mga isla.
Tuloy naman ang paggiit ng NTW-WPS sa ibang mga bansa na sumunod sa international maritime laws para 'di na lumala pa ang tensyon.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment