Maituturing na impeachable offense ang ginawa ni Vice President Sara Duterte sa Kamara de Repre-sentantes nang tumanggi itong magpaliwanag tungkol sa panukalang P2.037 billion budget ng Office of the Vice President (OVP) sa 2025 at ang isyu sa P125 milyong confidential fund noong 2022 kung saan P73 milyon ang disallowed ng Commission on Audit (COA).
Ayon kay dating Senadora Leila de Lima, extraordinary ang ginawa ni Duterte sa budget hearing "and has never been seen before in the entire history of Congress."
Kabilang sa ginawa ng bise presidente ay makipagsagutan kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro kung saan kinuwestiyon nito kung bakit nakadalo pa ito sa budget hearing gayung convicted umano ito sa child abuse case.
Nais din ng bise presidente na tanggalin si Marikina Rep. Stella Quimbo bilang presiding officer ng budget hearing ng House Committee on Appropriations.
Sinabi ni De Lima, naging kalihim din ng Department of Justice (DOJ) at dating election lawyer, may op-siyon ang Kamara de Representantes na gawing piso lamang ang budget ng OVP dahil wala naman itong fiscal automony.
"Of course, the House can also impeach her for betrayal of public trust since her disregard for the consti-tutional provisions on public accountability and the appropriation process which involves public funds seems willful and deliberate, and not simply due to her gross ignorance of the Constitution and the law," babala ni De Lima.
Binanggit din ng dating senadora na may karapatan si Rep. Castro na dumalo sa budget hearing dahil inaapela pa ang kaso nito sa Court of Appeals.
"A sitting House member with an appealed conviction is not divested of her office and can continue per-forming the powers and functions of said office until convicted with finality, and the accessory penalty of political disqualification imposed upon her," diin ni De Lima.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment