Isang magandang balita sa lahat ng taga-Maynila na naghahanap ng trabaho.
Umaabnot sa 2,500 bakanteng trabaho ang nakatakdang ialok ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ngayong araw, September 25, 2024.
Nabatid na ang mga trabaho ay nakatakdang ialok sa "Kalinga sa Maynila PESO Job Fair" bilang isa sa mga highlight ng lingguhang regular interaction forum na ginagawa ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa mga barangay.
Sinabi ni Lacuna na ang nasabing job fair ay bukas sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates at gaganapin mula alas-8 ng umaga hanggang alas- 12 ng tanghali sa panulukan ng P. Paredes at Delos Reyes Streets, Sampaloc, Manila.
Napag-alaman naman kay Public Employment Service Office – City of Manila chief Fernan Bermejo na ang nabanggit na job fair ay gagawin sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE- NCR Manila Field Office.
Pinapayuhan ni Lacuna ang lahat ng mga interesadong aplikante na magsuot ng casual attire pag nagtungo sa job fair, magdala ng 10 kopya ng resumeat sariling ballpens at sumunod sa mga umiiral na public health protocols.
Nagpahayag din ang lady mayor sa lahat ng mga applicants ng "best of luck" at sinabing maraming pagkakataon na ang nangyari kung saan ang mga aplikante ay naha-'hired on the spot' o HOTS at masayang umuuwi dahil may hanapbuhay na sila.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment