Hindi magkakasama sa kulungan sa Pasig City Jail sina Cassandra Li Ong at dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ibinahagi ito ni Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera sa isang programa sa Radyo.
Ayon kay Bustinera, ibang ahensya kasi ang may kustodiya kay Ong.
"Wala naman pong balita dito. Sumunod lang naman po kami sa court order doon sa kanyang qualified human trafficking case. I believe wala po siya doon sa co-accused doon na kaso na 'yon. So sa ngayon, I believe iba ang ahensiya na may kustodiya sa kanya. Detained po siya sa ibang kulungan. Kung may order naman po na tatanggapin siya, ko-comply po ang BJMP diyan," ani Bustinera.
Kaugnay nito tiniyak din ni Bustinera na walang special treatment kay Guo.
Dagdag pa niya, siyaman lamang ang kapasidad ng bawat selda kaya nilagyan lamang ito ng triple deck upang mapagkasya si Guo at ang apatnapu pang babaeng preso sa loob ng selda.
Ayon pa kay Bustinera, mararanasan niya ang nararanasan ng mga mga ordinaryong preso na makakasama niya sa iisang selda.
"Kung ano po iyong pribilehiyo at dinadanas ng isang ordinaryong PDL ay yun din po. Halimbawa 'yung kanyang higaan, kung yung pang-ordinaryo katabi niya yung anim na PDL din dun, tabi tabi sila matulog, wala siyang kutson, ang higaan niya dun ay plywood na mga three fourth na plyboard na binalot ng linoleum para hindi lang tumagos 'yung surot. Wala pong foam kasi nga po malawak po iyon na higaan pinagdugtong-dugtong na triple deck na bed," Tinig ni BJMP Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment