Daily Mail PH

Monday, September 2, 2024

BINASTED NI KIRA BALINGER ANG SINGER AT ACTOR NA SI LA SANTOS

Hindi ikinaila ng magaling na singer at actor na si LA Santos na niligawan niya noon ang "Maple Leaf Dreams" co-star na si Kira Balinger. Bukod sa crush, isa raw kasi ang actress na nilo-look forward niyang makatrabaho mula nang mapanood niya ito…
Read on blog or Reader
Site logo image http://headlinesngayonblog.wordpress.com Read on blog or Reader

BINASTED NI KIRA BALINGER ANG SINGER AT ACTOR NA SI LA SANTOS

By Headlines Ngayon on September 3, 2024

Hindi ikinaila ng magaling na singer at actor na si LA Santos na niligawan niya noon ang "Maple Leaf Dreams" co-star na si Kira Balinger.

Bukod sa crush, isa raw kasi ang actress na nilo-look forward niyang makatrabaho mula nang mapanood niya ito sa mga pelikula at teleserye.

"Yes po, alam din naman po iyon ni Kira," bungad niya.

Gayunpaman, binasted daw siya ng aktres.

"Ano po, nabasted nga po ako," matipid niyang salaysay.

Hirit pa niya, hindi raw naman daw sumama ang loob niya sa dalaga.

"Wala na po iyon.Na-realize ko na dapat na magpokus ako sa aking career at marami pa rin po kasi akong tatahakin,but we are still close friends," pahayag niya.

Naging inspirasyon din daw ang 'pambabasted' sa kanya ni Kira para pagbutihin niya ang kanyang trabaho.

"Na-realize namin na siyempre hindi pa puwede noon kasi pareho pa kaming may hinahabol na pangarap," ani LA." Personally, ginawa ko naman iyong part ko. Pero siyempre may mga bagay na ganoon na di puwede talaga at malaking bagay na nandiyan ka lang lagi sa isang tao," dugtong niya.

Pagbibiro niya, hindi raw naman porke't nabasted siya ay isinara na niya ang posibilidad ng muling panliligaw kay Kira in the future.

"Siguro someday, why not?," hirit niya.

Sina LA at Kira ay tampok sa pelikulang "Maple Leaf Dreams" kung saan gumaganap sila bilang OFWs na nagtratrabaho sa Canada sa kagustuhang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay sa Pinas.

Ani LA, bilang paghahanda raw sa kanyang role bilang Macky, isang restaurant manager, nag-immerse sila at nakisalamuha sa mga Pinoy na nagtratrabaho roon.

"Sobra po akong na-touched sa mga kuwento nila bilang OFWs. Saludo po ako sa mga ginagawa nilang mga sakripisyo para lang po maitaguyod nila iyong mga pamilyang umaasa sa kanila.Kaya ibinigay ko ang best ko para magampanan ko nang maayos iyong role ko," pagbabahagi niya.

During their 15-day shoot sa Canada, nagkaroon din daw sila ng bonding moments ng kanyang leading lady.

"Mas lumalim po iyong friendship namin ni Kira. Mas naging close kami sa isa't isa," sey niya.

Mula sa produksyon ng 7K Entertainment, Lonewolf Films at Star Magic, at sa direksyon ng de-kalibreng director na si Benedict Mique (ML, Lolo And The Kid, Monday First Screening), ang pelikula ay isa sa mga kalahok sa full-length film category ng Sinag Maynila Film Festival na mapapanood na sa mga piling sinehan mula Setyembre 4 hanggang 8.

Ito ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng Pinoy OFWs sa Canada at batay sa naging karanasan ng direktor.

Ang nasabing highly anticipated drama ay magkakaroon din ng wide theatrical release simula sa Setyembre 25.

Tampok din sa pelikula sina Snooky Serna, Ricky Davao, Joey Marquez at marami pang iba.

MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

http://headlinesngayonblog.wordpress.com © 2024.
Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real‑time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc.
60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110

at September 02, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] Achieve Data Sovereignty through Omnisphere
    Crypto Breaking News posted: "Web 3.0 is one of the biggest buzzwords flying around the world of social media this year. An...
  • [New post] Tuesday’s politics thread is trying to stay positive.
    SheleetaHam posted: " Even though I just finished the latest Opening Arguments podcast about how Roe v. Wade is toast, and ...
  • How can the Rappler app be better? We'd like to know what you think!
    Hi daily! Have you downloaded the Rappler app? We'd love to hear about ...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.