Patuloy ang pangunguna ng magkapatid na sina ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo at broadcaster Ben Tulfo sa third quarter senatorial survey na isinagawa ng independent pollster OCTA Research.
Sa survey na isinagawa noong Agosto 28 hanggang Setyembre 2, tinanong ang 1, 200 respondents ng, "If the May 2025 elections are held today, who will you likely vote for as senator?"
Animnapung porsiyento ang nakuha ni Erwin Tulfo habang 57 porsiyento ang kapatid niyang si Ben, host ng investigative show na "Bitag" para makuha ang una at pangalawang puwesto.
Kung nangunguna ang mga Tulfo, kulelat naman sa survey ang dating executive secretary na si Victor Rodriguez na nakakuha lamang ng dalawang porsiyentong voters preference.
Nasa ikatlo hanggang apat na posisyon si dating Senate President Vicente "Tito" Sotto III na may 50 porsiyento at na sa third hanggang 6 spots naman si Senator Christopher "Bong" Go na may 49 porsiyento.
Nasa pang-apat hanggang anim na puwesto naman si Senador Panfilo "Ping" Lacson at Senador Ramon "Bong" Revilla Jr., na parehong may 44 porsiyento.
Samantalam na sa pang-pito hanggang pang-12 sina Senadora Pia Cayetano (35%) habang sina Senador Francis Tolentino and dating Senador Manny Pacquiao naman ay na sa pang-pito hanggang 13 puwesto na sa nakuhang 34 porsiyento.
Naghati naman sa pang-pito hanggang 15 spots sina Senadora Imee Marcos, Senador Lito Lapid at dating Pangulong Rodrigo Duterte na parehong may 33 porsiyennto.
Pasok sa pang-walo hanggang pang-15 spot si Senador Ronald "Bato" dela Rosa (29% hanggang nasa 10th-16th position sina Interior and Local Government Secretary Benjamin "Benhur" Abalos at social media personality Dr. Willie Ong na may 18%.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment