Hinamon ni Antipolo City Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na magpakalalaki at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya sa halip na magtago sa saya ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Acop na walang basehan ang sinasabi ni Dela Rosa na "baseless" ang testimonya ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa House Quad Committee at bahagi lamang umano ito ng "demolition job" laban kay Duterte at sa mga kaalyado nito kaugnay ng 2028 elections.
"There's no demolition job here — only legitimate questions that need clear answers. Sen. Dela Rosa should be man enough to face the facts and take responsibility, instead of hiding behind VP Sara's skirt," giit ni Acop.
Sinabi ni Acop na nag-iimbestiga ang quad committee upang malaman ang katotohanan kaugnay ng extrajudicial killings sa ilalim ng Duterte war on drugs at ang koneksyon nito sa iligal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) at bentahan ng iligal na droga.
"Former Mayor Mabilog's testimony is crucial. Our goal is to craft laws that will put an end to these crimes—not to play political games," punto ni Acop.
"Ang trabaho ng komite ay imbestigahan at gumawa ng batas para matigil ang mga krimen na ito. Wala kaming pakialam sa eleksyon ng 2028 ang mahalaga ay ang hustisya para sa mga biktima," dagdag pa nito.
Sinabi ni Mabilog na kung hindi siya nakatakas ay pipilitin siya na akusahang drug lord sina dating Sen. Franklin Drilon at Mar Roxas noong kasagsagan ng war on drug campaign ni Duterte. Si Dela Rosa noon ang hepe ng Philippine National Police.
Ibinasura rin ni House Committee on Human Rights chairperson at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. ang alegasyon ni Dela Rosa.
"Senator Dela Rosa's claims of 'demolition job' and 'fishing expedition' are far from the truth. Our committee is committed to addressing systemic problems, and this investigation is about holding those responsible accountable—not playing politics," sabi ni Abante.
"As legislators, it is our duty to seek justice for the victims of illegal drug operations and expose the syndicates behind them. If we fail to do so, more Filipinos will continue to suffer," dagdag pa nito.
Hinamon din ni Abante si Dela Rosa na dumalo sa pagdinig upang maipagtanggol ang kanyang sarili sa alegasyon ni Mabilog.
"Our doors are always open to those who wish to provide the Quad Comm with information that will help us accomplish our task," sabi pa ni Abante.
Ang quad committee ay binubuo ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment