Ini-utos ng Ministry of Education at Higher Education ng Lebanon ang pansamantalang pagsasara ng mga paaralan sa mga lugar na apektado na ng kaguluhan bunsod ng pag-atake sa kanila ng Israel.
Pinaalalahanan na rin ng dalawang ahensiya ang mga mag-aaral sa ilang educational district para mapaghandaan ang pagsasara ng kanilang mga eskuwelahan.
Una nang nagsara ang Lebanese University at mga sangay nito sa Sidon, Nabatieh at Tyre City para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.
Samantala, patuloy na hinihikayat ng US ang Israel at Lebanon na magkaroon ng mapayapang pag-uusap.
Aminado ang White House na labis na silang naaalarma sa pagsiklab ng kaguluhan sa pagitan ng Israel sa ibang rehiyon gaya sa Lebanon.
Sinabi ng White House na handa silang mamamagitan sa pag-uusap ng Israel at Lebanon kapag pumayag ang dalawang bansa.
Samantala, bukod sa Egypt at Qatar, kasama ang US sa mga bansang nagsusulong ng tigil-putukan sa pagitan ng Hamas at Israel.
FAITH N. DINGLASAN – GLOBAL NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment