Makakaasa ang mga pambato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na sasamahan sila sa pangangampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling magsimula na ang campaign period para sa 2025 midterm elections.
Ayon sa Presidential Communications Office, tuwing araw ng Huwebes ang magiging schedule ng Pangulo sa pagsama sa kampanya sa mga lalawigan na iikutan ng mga pambato ng alyansa.
Sa kaniyang talumpati sa ginanap na convention sa PICC sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na ang pagpili sa 12 pambato ng alyansa ang magiging susi upang madaling matupad ang mga adhikain ng gobyerno para sa mas magandang bukas.
Sinabi ng Pangulo na walo sa mga napili ng pambato ay mga beteranong senador kaya alam ang mga batas na dapat isulong para sa pagbabago at magandang kinabukasan ng bansa.
Pito rin aniya sa mga pambato ang may karanasan sa Kongreso kaya malaking alas ito para maisulong ang mga pagbabagong hinahangad para sa bansa.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment