Kasalukuyan ngayong bina-validate ng binuong Special Task Group ang pahayag ng isang self -confessed member ng umano'y 'Angels of Death' ni Kingdom Of Jeses Christ founder Pastor Apoolo Quiboloy na hawak ngayon ng Philippine National Police sa Davao.
Kinumpirma ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nasa kustodiya ngayon ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 11 ang umano'y kasapi ng 'Angels of Death' ni Quiboloy.
Ang "Angels of Death" ay matatandaang ginamit umano ni Quiboloy bilang panakot sa kanya umanong mga menor de edad na biktima kung saan ay hahabulin sila nito kapag nagkwento ng mga karanasan na kanilang sinapit sa kamay ni Quiboloy.
Inihayag ni PNP-PIO Chief PCol. Jean Fajardo na kasalukuyang nilang bineberipika ang mga isinalaysay ng hindi muna kinilalang self-confessed private army member ni Quiboloy subalit mistulang tugma umano ito sa naging pahayag ng mga biktima diumano ng pangmo-molestiya ni Quiboloy.
Sa ginawang pagsasalaysay ng hindi pinangalanang 'Angel of Death' member, diumano ay dati siyang miyembro ng KOJC na tumiwalag na kung saan sila umano ang nagpapataw ng corporal punishment sa mga miyembrong hindi sumusunod kay Quiboloy lalo na sa 'pastorals'.
Magugunitang ang 'pastorals' ay bahagi ng 'inner circle' ng isang piling grupo ng mga kabataang babae kung saan ang pinakabatang edad ay 12-anyos na umano'y nakaranas ng 'sexual abuse' kay Quiboloy.
Una rito, lumutang ang isyu na ilan umano sa kasapi ng 'Angels of Death' na nagsisilbing private armed group ni Quiboloy ay mga Army Reservists at mga militiamen.
Inihayag ng Hukbong Katihan na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa Philippine National Police upang beripikahin ang nasabing report na ilang Army reservists at militiamen ay sangkot sa "Angels of Death," na umano'y private army ni Quiboloy.
Ayon kay Col. Reynaldo Balido Jr., deputy chief of the Army Chief Public Affairs, may ilang kasapi ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na mga reservists. Sinasabing may mga kasapi ng KOJC ang nasa ilalim ng 2nd Reservist Signal Battalion.
Samantala, inihayag naman ni Col. Louie G Dema-ala, Army Chief Public Affairs , na ang 2nd Reservist Signal Battalion ay may 540 reservists na kinabibilangan ng dalawang officer reservists at 538 Enlisted Reservists, subalit naka-deploy umano ang mga ito sa NCR, Visayas at Mindanao, kung saan merong satellite unit ang Sonshine Media Network Incorporated (SMNI).
May 150 hanggang 200 reservist naman aumano ng Davao base, ayon kay Col Dema-ala.
Nabatid na ang KOJC station Sonshine Media Network Incorporated (SMNI) ay accredited bilang affiliated reservist unit ng Philippine Army nuong pang 2015.
"They are on active duty status. They are called the 2nd Signal Battalion Philippine Army Affiliated Reserve Unit. Tinap natin sila because of their expertise in communications, nagagamit natin," ani Balido.
Sinasabing hindi pa tukoy ang involvement nito sa hinihinalang private armed group ni Quiboloy kaya nakipag-ugnayan ang Hukbong Katihan sa PNP at iba pang government security agency.
Nilinaw ni Balido na ang mga reservist say dapat na hindi armado
Agad ding itinanggi ng kampo ni Quiboloy na mayroon silang "Angels of Death" 0 private armed groups at ang meron lamang umano sila ay 'prayer warriors.'
Paliwanag ni Fajardo, lahat ng mga ibinunyag ng naturang kasapi umano ng "Angels of Death" ay kanilang isumite sa korte bilang ebidensya.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment