Kamakailan ay ipinapanood sa members of the media ang award winning film na "Her Locket" ang biggest winner ng Sinag Maynila 2024 na may walong awards kabilang ang
Best Film,
Best Director (J.E. Tiglao)
Best Screenplay (J.E. Tiglao and Maze Miranda)
Best Actress (Rebecca Chuaunsu), Best Supporting Actress ( Elora Españo), Best Cinematography, Best Production Design at Best Ensemble.
Matapos ang screening ay pinalakpakan ng husto ng members of the media ang pelikula dahil karapat-dapat naman talagang manalo ito ng 8 awards dahil talaga namang napakaganda nito hindi lang ng istorya maging ang pagkakagawa ni Direk J.E. Tiglao
Istorya ito ng isang chinese mother na may sakit na dementia na nagmamay-ari ng isang locket na magpapabalik sa kanyang ala-ala.ng nakaraan.
In fairness kay Rebecca Chuaunsu, magaling siyang umarte napaka natural ng kanyang acting gayundin naman ang indi actress na si Elora Españo portrayed the role of Teresa na tumayong caregiver ni Jewel.
Maganda din ang cinematography ng pelikula lalo na ang flash back ng pelikula. Ipinakita ang chinese tradition sa movie.
Dahil sa ganda ng pelikula ay wagi din ang pelikula sa iba't-ibang international Film Festivals:, katulad na na lamang Taiwan and Morocco best actress. Nagparticipate din ang "Her Locket," sa Marchie Du Film-Festival De Cannes (2023) in France London, gayundin sa East Asia International Film Festival 2023 in UK at sa 22nd Dhaka International Film Festival (2024) in Bangladesh. Invited din ang "Her Locket" sa San Diego Film Festival (USA) this October 2024.
No comments:
Post a Comment