Isailalim na sa medico- legal examination ang bangkay ng isang dalagita na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ng ka-'eyeball' nitonga lalaki na nakilala lamang niya online sa Toledo City sa lalawigan ng Cebu.
Target naman ngayon ng manhunt operation ang nakatakas na suspek na nakuhanan ng CCTV footage mula sa hotel matapos ang pangyayari.
"Ipinakita namin sa room boy ang malinaw na CCTV footage na mayroon kami at positibong natukoy niya ang lalaking kasama ng biktima noon," ayon kay Police Lt. Col. Manolo Salvatierra ng Toledo City Police Station.
Sa ulat ng Toledo City Police Office, wala nang buhay nang madiskubre ang bangkay ng biktima na isang Grade 12 student habang may busal pa ang bibig at nakatali ang mga kamay.
Napag-alaman na nadiskubre ng roomboy ang bangkay ng biktima nang katukin niya ang kuwarto dahil 'checkout time' na, subalit walang sumasagot sa loob kaya't napilitan na itong buksan ang kwarto sa lodging inn .
Lumitaw sa follow-up investigation na nagpaalam ang 18-anyos na biktima na dadalsiya sa isang 'dance party' ng kanyang mga kaklase, ayon sa salaysay ng mga kapatid nito.
Lingid sa kanilang kaalaman ay nakipagkita pala ang biktima sa suspek na nakilala niya 'online' at nagyayang mag-'eyeball' o magkita sila hanggang sa pumasok sa isang lodging house.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment