May aral sanang natutuhan si Sofia Andres na biktima ng mapagsamantalang tao.
Sa kanyang Instagram account, ibinalandra ng aktres ang pangalan ng kinontrata niya para gawin ang kanyang glass windows.
Maging ang kumpanya which her contractor represents ay isinama na rin niya to alert the netizens who might know her.
Annalisa Salem ang kinontrata niyang gagawa ng kanyang glass windows.
Tatlong buwan na raw kasi itong hindi nagpapakita sa kanya, gayong fully paid na raw ang pinatrabaho niya.
Excited pa naman daw si Sofia dahil ang ipinagawa niyang glass windows are supposedly intended para sa ipinagagawa niyang dream house.
"Devastated" kung ilarawan niya ang kanyang feeling as well as her family's.
Taong 2022 nang simulang patayuan ni Sofia ang na-acquire niyang property sa Lipa, Batangas.
September last year nang mag-update siya sa progress ng construction nito sa kanyang social media account.
Sofia had no other recourse but to resort to IG para ipanawagan that she was scammed, at kung maaari'y matunton ang babaeng nambudol sa kanya.
Very responsive naman ang mga netizens na nagpayo sa aktres na idulog ang kanyang kaso sa programang Wanted sa Radyo ni Senator Raffy Tulfo.
Tiyak daw kasing babagsak sa bitag ang Annalisa Salem na 'yon.
'Yung ibang netizens naman, sa halip na makisimpatya o tulungan si Sofia ay sinisisi pa nila ito.
Kung bakit daw kasi binayaran na ng aktres nang buo ang contractor gayong hindi pa raw naman tapos ang trabaho. Lesson learned.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment