Ibinuking ni Abante columnist Ramon T. Tulfo na kaya malakas si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma kay dating Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte ay dahil naging magkasintahan ang dalawa.
Ayon sa kolum ni Tulfo sa Abante nitong Martes, Setyembre 17 nakausap niya minsan si dating Pangulong Duterte sa restaurant na kasama si Garma.
"Isang araw nang binisita ko si Digong sa Davao City, pinakilala sa akin si Garma sa isang restoran. Naka-uniporme pa si Garma noon. Maraming girlfriend si Duterte na pinakilala sa akin bilang malapit niyang kaibigan. Nang pumunta si Garma sa restroom ng restoran, sinabi ko kay Digong na nahalata ko na syota niya si Garma," lahad ni Tulfo sa kanyang kolum.
Sabi ng kolumnista, umamin ang dating Pangulo sa relasyon niya kay Garma at bukod sa pagiging Bisaya, nagbigay pa ito ng ibang rason kung bakit niya ito nagustuhan.
Napilitan si Tulfo na ibulgar ang dahilan kung bakit malakas si Garma kay Duterte matapos tumanggi si Police Col. Gerardo Padilla na isiwalat ito sa quad committee ng Kamara de Representantes.
Si Garma ay ginisa ng Kamara kaugnay sa koneksyon nito sa pagkamatay ng tatlong drug convicts na sina Chu Kin Tung, Lang Yan at Wong Meng Pin sa Davao Prison and Penal Farm sa Panabo, Davao del Norte kung saan naging OIC si Padilla.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment