Agad na nilinis ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa ang kanyang pangalan kaugnay ng alegasyon ng isang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang tumanggap ng monthly payroll mula kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito'y matapos ibunyag ni Retired Gen. Raul Villanueva, Senior Vice President ng PAGCOR Security and Monitoring Cluster sa pagdinig ng Senate Committee on Women ang tumatanggap ng suhol mula kay Guo.
"Merong sinabi si Retired General Villanueva na meron daw isang former chief PNP receiving a monthly payroll from you (Alice). Pwede bang malaman kung sino itong former chief PNP?" tanong ni Dela Rosa kay Guo.
"I am concern because as I am a former chief PNP. Baka mamaya merong lalabas na script dyan na si Bato ay tumatanggap ng pera galing sa'yo," dagdag pa ng dating PNP chief.
Sagot naman ni Guo, wala ganoong nangyayari [suhol] at nakita lang niya ito ng harap-harapan kapag dumadalo sa pagdinig sa Senado.
"Nakita ko po kayo in person nung andito na po sa senate po. Never po [meet in person]," saad ni Guo sa pagtatanong ni Dela Rosa.
"Selfie I think wala po," dagdag pa niya.
Tinanong pa ni Dela Rosa si Villanueva kung sino ang ex-PNP chief na tinutukoy niyang tumanggap ng buwanang suhol kay Guo at sinabi naman ng huli na hindi siya ang tinutukoy niyo.
"Your honor I don't have any confirmation but im sure you're not the one I think," sabi ni Villanueva.
"Thank you, thank you if I'm not the one. Yun lang siniguro ko lang," giit pa ni Dela Rosa.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment