Pormal ng nanumpa si Bgy. 497 Chairman Bong Marzan bilang bago at opisyal na miyembro ng nag-iisang lokal na partido pulitikal na Asenso Manileño nitong Lunes, Sept. 16.
Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nag-administer ng panunumpa ni Marzan sa Tanggapan ng Alkalde sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall. Tumayo naman bilang testigo si Vice Mayor Yul Servo sa panunumpa ni Marzan sa Asenso Manileño
Isa si Marzan sa handpicked ng lady mayor para tumakbong konsehal sa ika-apat na distrito ng Maynila.
Kabilang si Marzan sa isang dosenang mga bagong miyembro ng Asenso Manileño na kinabibilangan din ng political veteran, professional doctor at maybahay ng isang konggresista, mula sa isang malaking political clan, kilala at nirerespetong Filipino-Chinese, anak ng isang opisyal at mga promising public servants.
Si Marzan na isang batang Sampaloc ay nagsimula bilang SK Chairman, Kagawad, Punong Barangay kung saan ay uncontest noong nakaraang bgy election. Sa kasalukuyan ay isa si Marzan sa mga halal na direktor ng Liga ng Barangay. Siya ay nakababatang kapatid ni Jay Marzan na dating City Administrator ng Manila City Hall sa panahon noong ng original Yorme Mayor Alfredo Lim.
Ang Asenso Manileño ay political party na itinatag ng yumaong Vice Mayor Danny Lacuna at ama ni Mayor Honey Lacuna.
Ang Asenso Manileño lang din ang nakagawa ng record kung saan mega landslide ang naging lamang ng tambalang Lacuna-Servo sa kanilang mga nakalaban na tumakbo sa pagka-mayor at vice mayor. Maging ang lahat ng anim na Congressional seats ay napanalunan ng Asenso habang 34 sa 36 na seat sa Konseho ng Maynila ay nakopo ng Asenso noong nakaraang 2022 national at local election.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment