Kaugnay niyan ay ni-reprimand din umano ang mga tauhan na sangkot sa nasabing kontrobersiya.
"Humihingi ako ng paumanhin sa ating mamamayan. Na-misconstrue lang 'yung kasiyahan namin na tagumpay tayo at tapos na ang aming paghihirap," paliwanag ni Santiago.
" Walang hinihiling na swapping. So, as a sign of relief sa paghihirap natin, talagang lahat ng kasiyahan na itu-turnover sa atin without any exchange, walang kondisyon," dagdag ni Santiago.
Ayon pa kay Santiago, noong unang nakita ng mga ahente ng NBI si Guo ay nagpadala kaagad ang mga ahente ng litrato bilang katibayan na hawak na nila si Guo.
Ipinaliwanag umano ng mga ahente ng NBI sa kanya na ang kanilang ngiti sa selfie ay 'relief' umano sa pagod, sa hirap at sa tagumpay .
Sa kabila niyan ay binigyang-diin ni Santiago na hindi siya sumasang-ayon sa ganoong 'selfie' at dapat ay mamantina ang professionalism.
Napag-alaman na nagkaroon umano ng 'debriefing' sa mga ahente ng NBI matapos na dumating sa bansa.
"Mission accomplished! Ganoon ang paliwanag nila sa akin at naunawaan ko naman," ayon pa Kay Santiago, nang makausap ang mga ahente ng NBI.
Ipinaliwanag rin ni Santiago kung bakit walang posas sa Indonesia si Guo. Ito ay sa dahilan umano na wala pa silang hurisdiksyon sa Indonesia., pero pagsakay sa eroplano ay kaagad itong pinabihisan ng kulay orange na t-shirt, pinosasan at binasahan ng 'Miranda rights.'
Sinabi ni Santiago na naisampa na nila sa Department of Justice (DOJ),ang money laundering case laban Kay Guo at iba pang kasamahan nito.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment