Ibinasura ng Quezon City Prosecutor's Office ang isinampang Cyber Libel ng aktres na si Bea Alonzo sa misis ng kanyang dating driver.
Isinampa niya ang kaso matapos nitong pagbintangang nagpakalat ng ilang kontrobersiyang kinasasangkutan .
Isa sa mga isyung kumalat umano ay ang hindi niya raw pagbabayad ng SSS at Philhealth contribution para sa mga kasama sa bahay.
Sinabi ng prosecutor na kulang ang ebidensiya ng isinampang kaso ni Bea na Phylbert Angelli E. Ranollo ang pangalan sa totoong buhay.
Pirmado ang dismissal paper ni Assistant City Prosecutor Virgel Amor Ordono Vallejos and recommending prosecutor Nerissa Rhona Zamora-Amoroso (Senior Assistant Prosecutor).
Matatandaan na naunang kinasuhan ni Bea ng online libel ang columnist at digital talk show host na si Cristy Fermin.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment