Hinamon ni House Committee on Metro Manila Development chairperson at Manila Rep. Rolando Valeriano ang mga ahensya ng gobyerno na buwagin ang umano'y "Davao mafia" at arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga kasong kriminal.
Iginiit ni Valeriano ang pangangailangan umano na wasakin ang mafia-like system ng gobyerno at pribadong sektor sa Davao City na pumayag na makapagtayo ng underground facility si Quiboloy.
"Those underground facilities could not have been built without the acts of commission and omission of government offices, private entities, and individuals," sabi ni Valeriano.
Ayon sa mambabatas kakailangan ng "general cleaning" sa "systemic corruption" sa Davao City na naging kasangkapan sa pag-unlad ni Quiboloy.
"There should be a thorough inventory of guns, ammunition, explosives, and dangerous chemicals in the possession of individuals in Davao City. Any and all illegal POGOs and fake BPOs in Davao City must be raided and dismantled," dagdag pa ng solon.
Nanawagan din ni Valeriano sa mga ahensya ng gobyerno na ipasara ang mga POGO sa Metro Davao gaya ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address.
"The National Telecommunications Commission must conduct a regulatory audit of all entities with broadcasting and internet services franchises in Davao," sabi pa nito.
"NTC must make sure none of those franchises are being used for purposes that are illegal and contrary to their franchises from Congress," dagdag pa ni Valeriano.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment