Inamin ni Tony Yang, kapatid ng dating Duterte aide na si Michael Yang, na kumuha siya ng pekeng birth certificate para makapagbukas ng negosyo sa bansa.
Sa hearing ng Senate Committee on Women on illegal POGOs, tinanong ng mga senador ang kaugnayan ni Yang sa paglago ng POGO network na naging front ng ilang ilegal na aktibidad.
Nabatid sa hearing na dumating sa Pilipinas si Yang noong 1998 o 1999 gayunman, kinailangan niya ng interpreter dahil hindi niya raw kayang magsalita ng Tagalog, Bisaya o English, bagay na mahirap paniwalaan ng mga senador.
"Hindi ako makapaniwala na quarter of a century na kayo sa Pilipinas, sa Cagayan de Oro included, at di pa kayo marunong mag-Bisaya, Filipino fluently. Dili ako buang para maniwala dyan," ani Sen. Risa Hontiveros.
Sa tulong ng interpreter na si Carolyn Batay, kinumpirma ni Yang na isa siyang Chinese national.
Pinakita ni Hontiveros ang ilang mga official Philippine document na nakuha ni Yang, kabilang na ang late birth registration, Alien Certificate Registration, at LTO registration, na lahat ay pawang nakapangalan kay Yang Jian Xin, Antonio Maestrado Lim, at Tony Yang.
Natanong si Yang kung bakit mayroon itong birth certificate mula sa Pilipinas kung sinilang siya sa China?
Sabi ni Yang, ang lolo niya raw ang tumulong sa kanya para maproseso ang kanyag birth ceritificate nang ikatlo o ikaapat niyang pagbisita dito.
"I was not aware of this, maybe he thinks it was for my convenience so I can build a business here," saad ni Yang sa pamamagitan ng interpreter.
Ito rin umano ang kumumbinse kay Yang para magbukas ng negosyo sa Pilipinas at nagbigay sa kanya ng P600,000 na kapital. Ani Yang, pumanaw na ang lolo niyang ito 10 taon na ang nakakaraan.
"Kaya n'ya ginagamit kasi patay na. Because they're already dead, how can they answer our questions?" sabi ni Sen. Jinggoy Estrada.
Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva, "Hindi Filipino, tapos may TIN, may LTO, may ACR na iba-iba pangalan… Ni hindi makasalita ng Tagalog, Bisaya tapos dito naghahasik ng lagim sa bansa natin. Dito lang sa Senado napaka-weird na may interpreter tayo, para tayong binabalasubas dito."
Sinabi naman ni Yang na wala siyang POGO business sa ngayon at itinanggi na opisyal siya ng POGO service provider na OroOne Corp. Kahit pa nakalista siya bilang presidente nito.
"The reason my name was in OroOne was because during that time I rented out the place to them. It was only that time that they needed help in the permits and all, that's why I was connected, it was the bookkeeper who reported," aniya pa.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment