Iprinoklama ngayong araw ng Biyernes September 27, ng Asenso Manileño, and dominanteng lokal na partido pulitikal sa kabisera ng bansa ang kanilang powerhouse lineup sa May 2025 local elections.
Nangunguna sa lineup ang re-electionists na tambalan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, gayundin ang kanilang tiket para sa anim na distritong upuan sa Kongreso at 36 na upuan sa Konseho ng Maynila.
Nag-convene ang Asenso Manileño sa San Andres Sports Complex nitong Biyernes ng hapon kung saan sinundan ng pormal na programa dakong alas-3 ng hapon.
Ibinunyag at ipinakilala ni Party President Mayor Honey Lacuna sa convention na si Manny Lopez ang opisyal n kandidato para sa Manila First District Congressman.
Dating sports executive, si Lopez ay anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez at Manila First District Congressman mula 2016 hanggang 2022.
Si Lopez ang isa sa pinakabagong miyembro ng Asenso Manileño.
Ang lahat ng limang House committee chairpersons ay pawang mula sa Asenso na kinabibilangan nina :Rep. Rolando Valeriano (2nd District of Manila), Chair of the Committee on Metro Manila Development; Rep. Joel Chua (3rd District of Manila), Chair of the Committee on Good Government and Public Accountability; Rep. Edward Maceda (4th District of Manila), Chair of the Revision of Laws Committee; Rep. Irwin Tieng (5th District of Manila), Chair of the Banks and Financial Intermediaries Committee and Rep. Benny Abante (6th District of Manila), Chair of the Committee on Human Rights.
Samantala ay pormal na rin ipinakilala ng Asenso Manileño ang kanilang powerhouse lineup para sa Konseho ng Maynila.
Para sa distrito uno :Atty.Eugene Santiago, Peter Ong, Marjun Isidro, Niño Dela Cruz, MC Bobby Lim.
Kinabibilangan naman nina Dr. J. Buenaventura, Ninong Rod Lacsamana, Roma Robles, Uno Lim, Marc Lacson, Director David Chua ang lineup para sa distrito dos.
Super lakas naman ang puwersa ng tiket ng distrito tres sa pangunguna nina Fa Fuguso, Atty. Jong Isip, Maile Atienza, Karen Alibarbar, Jeff Lau,
Kumpletos rekados naman ang anim na kandidato sa pagka-Konsehal ng distrito 4 na sina Roy Bacani, Dra Dianne Nieto, Director Bong Marzan, Chairman Freddie Bucad, Science Reyes, Christianq Floirendo.
Para sa District 5 Naman ay sina Bel Isip at Charry Ortega,
Habang ang matinding tatlong kandidato ng distrito 6 ay sina Doc. Francis Olazo, Fog Abante at Philip Lacuna.
Sa kasalukuyang Konseho ng Lungsod, mayorya ng miyembro o 20 mga konsehal na kumakatawan sa anim na distrito ng Maynila ay mula sa Asenso Manileño bloc.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment