Napigilan ang pagbaha sa mga palengke ng mga baboy na may sakit matapos maharang ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang 70 baboy na may mga sintomas ng African Swine Fever (ASF) sa nakalatag na checkpoint sa Mindanao Avenue, Quezon City noong Huwebes.
Matapos sumailalim sa pagsusuri, nagpositibo ang mga baboy sa ASF dahilan para ipag-utos ang agarang pag-condemn sa mga ito.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), halos 500 ASF-infected na baboy na sa buong bansa ang nasabat sa mga checkpoint simula noong nakaraang buwan.
Kung sakaling nakalusot ang mga baboy sa mga checkpoint, makakarating sana ito sa Ilocos, Pangasinan, Tarlac, Bulacan at Cagayan at magdudulot pa ng krisis sa industriya ng babuyan sa bansa.
Bukod sa mga baboy, sinusuri na rin ang mga manok sa Highly Pathogenic Avian Influenza.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment