Isang content creator-vlogger ang binaril sa Barangay Palaming, San Carlos City, Pangasinan nitong Miyerkules, Setyembre 25. Kinilala ang biktima na si Goddard Gabriel Zacarias Manese, 30, ng Barangay Calomboyan. Ayon sa ulat, nakasakay umano si M… | By Headlines Ngayon on September 28, 2024 | Isang content creator-vlogger ang binaril sa Barangay Palaming, San Carlos City, Pangasinan nitong Miyerkules, Setyembre 25. Kinilala ang biktima na si Goddard Gabriel Zacarias Manese, 30, ng Barangay Calomboyan. Ayon sa ulat, nakasakay umano si Manese ng motorsiklo na minamaneho ng isang Sean Scallia Lomibao Aguilar nang dumating ang dalawang lalaki na sakay din ng isang motorsiklo. Isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima ng dalawang beses saka tumakas patungong Barangay Mamarlao. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo. Nasa lugar umano si Manese para mag-vlog. CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment