Epektibo at tunay na para sa mamamayan ang programang brainchild ni Manila Mayor Honey Lacuna na "'Kalinga' sa Maynila".
Ganito inilarawan ni Liga ng Barangay Director at Bgy. 497 Chairman Bong Marzan ang once a week na programang inilalatag sa mga barangay sa Maynila upang dalhin mismo sa kanilang tarangkahan ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Marzan, epektibong naipararating ng Manila City Hall ang kanilang mga serbisyo na karaniwan ng dinadagsa ng mga tao sa City Hall noong wala pa ang programang 'Kalinga sa Maynila'.
Ngunit ang mas impressive, ayon pa kay Marzan sa 'Kalinga…' ay hindi lamang kumakatok sa kanilang pintuan ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaang lungsod, kundi nagkaroon pa sila ng harapang venue upang iparating ang lahat ng kanilang katanungan, isyu at hinaing ng personal kay Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at mga pangunahing opisyal ng lungsod na naroroon din sa 'Kalinga' para sagutin ang tanong ng mga residente.
Nitong Miyerkules, Sept. 25, ay lumapag ang 'Kalinga sa Maynila' sa Bgy. 462, 463 at 464 Sampaloc, Manila.
Naroon din si Marzan upang personal na sumaksi at umalalay sa mga residenteng nangangailangan ng serbisyo, partikular ang mga senior citizens, PWD, solo parents.
Ayon kay Marzan, parang dinala ni Mayor Honey ang buong City Hall sa tatlong barangay na nabanggit at hindi lamang iyon kundi kasama din pati mga pinuno ng tanggapan, kagawaran at departmento.
Sa mismong lugar kung saan ginagawa ang 'Kalinga' ay may mga naka-set up na clinic para sa mga gustong makakuha ng serbisyo medikal tulad ng ECG, blood typing, fasting blood sugar, general check-up sa mga bata, nagdadalang tao at may libre ding gamot para sa mga nagpakonsulta.
Mayroon ding hiwalay na booth para naman sa mga kukuha ng birth certificate, police clearance at iba pa.
Hindi rin nawawala ang booth para sa mga naghahanap ng trabaho kung saan karamihan ng mga nag-a-apply ay 'hired on the spot:.
Nabatid pa na ang lahat ng mga pumupunta sa 'Kalinga' ay pinagkalooban ng 10 kilong bigas, pagkatapos ng programa.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment