Minabuti raw ni Senador Imee Marcos na mag-isa na lamang sa kampanya para sa 2025 midterm elections upang hindi raw malagay sa alanganin ang kapatid niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang video message na ibinahagi ni Imee sa kanyang Facebook, sinabi niyang nais na lamang niyang mag-isa sa kampanya at pulitika.
"Minabuti kong tumindig mag-isa upang huwag nang malagay sa alanganin ang aking ading, para wag nang mag-alinlangan ang aking mga tunay na kaibigan," ani Imee.
"Pinipipili ko na lamang manatiling malaya at tapat—hindi sa isang grupo,
kundi sa bawat Pilipino," aniya pa.
Nagpasalamat si Marcos sa kanyang kapatid sa pagsama sa slate gayundin sa kanyang partidong Nacionalista Party sa tiwala nito sa kanya.
Matatandaan na noong Setyembre 26 nang ipakilala si Imee ni Pangulong Marcos kasama ang 11 iba pa sa isinagawang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment