Daily Mail PH

Sunday, September 29, 2024

KUMPIRMADONG HINDING-HINDI NA RAW MAGPAPA-SEXY SA PELIKULA SI AJ RAVAL 

Confirmed, ayaw nang balikan ni AJ Raval ang pagpapakita ng katawan sa pelikula.Tapos na raw siya sa bahaging 'yun. At bago naman daw ang gusto niyang gawin."Parang kasi tapos na ko sa phase na 'yun, sa part na 'yun na nagpapa-sexy, nagpapakita …
Read on blog or Reader
Site logo image http://headlinesngayonblog.wordpress.com Read on blog or Reader

KUMPIRMADONG HINDING‑HINDI NA RAW MAGPAPA‑SEXY SA PELIKULA SI AJ RAVAL 

By Headlines Ngayon on September 30, 2024

Confirmed, ayaw nang balikan ni AJ Raval ang pagpapakita ng katawan sa pelikula.
Tapos na raw siya sa bahaging 'yun. At bago naman daw ang gusto niyang gawin.
"Parang kasi tapos na ko sa phase na 'yun, sa part na 'yun na nagpapa-sexy, nagpapakita ng skin. Gusto ko naman bago naman, mas maganda, mas makakabuti para sa akin. Okay na ko sa part na nadaanan, nagawa ko siya," sabi ni AJ Raval kahapon sa announcement ng advocacy digital series na West Philippine Sea (WPS) na produced ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) headed by Dr. Mike Aragon na unang mapapanood at mapapakinggan sa DZRH radio / TV.
Kinontra rin niya ang intrigang lalayasan na lang niya ang showbiz dahil umalis na siya sa kanyang management team at tatapusin na lang ang pag-aaral. Matagal-tagal din kasi siyang namahinga.
"Just to be clear, wala po akong sinabing iniwan ko na po 'yung Viva and wala po akong sinabing ayaw ko na rin mag-artista. Ang sinabi ko po may time na nawalan po ako ng gana sa pag-aartista. Nag-focus po ako sa ibang bagay, sa paggawa ng mas maganda, mas makakabuti sa akin. Katulad ng pag-aaral ko, natapos ko po 'yung high school ko sa pamamagitan ng ALS. Pero wala po akong sinabing ayaw ko nang mag-artista, sabi ko lang po gusto ko lang din gamitin 'yung pag-aartista ko sa mas maganda, mas better na way," paglilinaw niya pa.
Marami raw kasi siyang realization na rason kaya't nawalan siya ng gana sa kanyang mga ginagawa sa pelikula.

Nag-umpisang bumongga ang career ni AJ nung pandemic, sa paggawa ng sexy movies sa Vivamax.
"May time na nawalan ako ng gana sa pag-aartista kasi may mga bagay pa akong gustong gawin na mas makakabuti sa akin and 'yung time na hindi ako nagso-showbiz mas marami akong narealize, mas marami akong natutunan sa sarili ko like for example, ano bang mas importante. Ayan ang family, quality time sa kanila mga ganung bagay mas natutunan ko," katwiran niya pa.
Kaya naman nang marinig niya ang offer ng WPS na isang malaking usapin sa kasalukuyan dahil sa patuloy na pang-aangkin ng China, hindi na niya naisip kung magkano ang talent fee niya.
"Masaya ako sa project na ito kasi syempre katulad nung sinabi ko kanina, gusto kong gamitin 'yung pag-aartista ko, 'yung skill ko sa mas magandang way. Itong project na ito in-offer siya sa amin. Hindi na kami nag-ask ng talent fee na anything, contract. Tinanggap na lang namin siya kasi alam namin makakabuti sya para sa sarili namin at makakabuti siya para sa mga mamamayang Pilipino," na ang nire-refer niyang kami ay si Aljur Abrenica dahil nga kasama rin sa pelikula ang jowa niyang actor. Ganundin ang ama niyang si Jeric Raval.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasama sila ng actor na karelasyon sa pelikula.
Samantala, masaya naman si Aljur sa desisyon ni AJ na hindi na magpa-sexy sa pelikula at gumawa na lang ng mga makabuluhang mga proyekto.
At kung kinontra ni AJ ang isyung lumayas na siya sa Viva, iba naman ang sinabi ni Aljur na may bagong management team na siya.
Tumanggi rin si AJ na i-reveal ang mga plano nila ni Aljur ngayong parang normal na ang lahat sa kanilang relasyon.
Samantala, fictional ang WPS pero naka-base pa rin ito daw ito sa real-life events ayon kay Doc Aragon.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang panggigipit ng mga sasakyang pandagat ng China. Kaya naman nagpahayag na ng pagkabahala ang ilang mangingisda sa Zambales.
"This is for the country, for the people, this is a cause for the Phi­lippines because atin ang West Philippine Sea," pahayag pa ni Doc Mike.
Nakatakda itong ipalabas sa free TV, cable, satellite, radio drama at Viva One.
Kasama rin sa WPS ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo, Daiana Menezes, Ali Forbes, Ayanna Misola, Massimo Scofield, Jerica Madrigal, Lala Vinzon at Roi Vinzon, directed by Karlo Montero.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

http://headlinesngayonblog.wordpress.com © 2024.
Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real‑time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc.
60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110

at September 29, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Quick check — should I keep you on this list?

You subscribed to CGBOSS in the past and Thank you  ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏...

  • [New post] Achieve Data Sovereignty through Omnisphere
    Crypto Breaking News posted: "Web 3.0 is one of the biggest buzzwords flying around the world of social media this year. An...
  • [New post] Tuesday’s politics thread is trying to stay positive.
    SheleetaHam posted: " Even though I just finished the latest Opening Arguments podcast about how Roe v. Wade is toast, and ...
  • How can the Rappler app be better? We'd like to know what you think!
    Hi daily! Have you downloaded the Rappler app? We'd love to hear about ...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.