Makukulong ng 30 araw o sa loob ng isang buwan si Katherine Cassandra Li Ong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Ito ang naging desisyon ng quad committee ng Kamara de Representantes kaugnay ng ikalawang contempt laban kay Ong.
Ililipat si Ong sa CIW kapag natapos nitong pagsilbihan ang unang 30 araw na pagkakakulong na iginawad na parusa sa unang contempt laban sa kanya dahil sa hindi pagpunta sa imbestigasyon ng quad committee sa kabila ng paulit-ulit na imbitasyon.
Matatapos ang unang parusa sa Setyembre 26.
Ang CIW ay isang kulungan para lamang sa mga babae.
Isinangkot si Ong sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga na sinalakay ng mga awtoridad noong Hunyo 2024.
Nag-ugat ang pangalang contempt kay Ong sa pagdinig noong Huwebes, Setyembre 19, kung saan tinanong siya ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano kung saan kumuha ng Alternative Learning System (ALS).
Hindi masagot ni Ong ang katanungan maging kung saan eskuwelahan ito at kung kailan siya nag-ALS.
Matapos na muling hindi makakuha ng direktang sagot, nag-mosyon si Paduano na i-cite in contempt si Ong. Inaprubahan ang mosyon matapos na walang tumutol dito.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment